OFW Prayers to Our Lady of Piat

Our Lady of Piat Prayer 

Our Lady of Piat, aming idinadasal sa ngalan ng inyong pinagpalang anak na si Hesus na ilayo nyo po kami sa kapahamakan, bigyan mo po kami ng lakas para mapaglabanan namin ang hirap at pangungulila sa aming mga pamilyang naiwan namin sa Pilipinas.

Mahal na Ina ng Piat, bigyan nyo po kami ng lakas ng loob upang mapaglabanan namin ang mga pagsubok na hinaharap at sa darating pa. Nawa'y mapatawad kami ng Mahal na Ama at ni Hesus sa aming mga pagkukulang at sa mga kasalanan na aming nagawa.

Sa aming masigasig na pagtratrabaho dito sa abroad, nawa'y kami'y pagpalain makapag uwi ng maraming grasya para aming pamilya, bayan at para sa hinaharap ng aming bansang sinilangan ang napakagandang Pilipinas.

Our Lady of Piat. Pray for us.